Infotextblast


Thursday, February 21, 2013


Info Bits on Government 101

ANG SENADOR

Ang mga pangunahing tungkulin ng isang senador ay ang mga sumusunod:

·         Nagpapasa ng mga batas na makakabuti para sa mga mamamayan at inaamyendahan ang mga batas na hindi angkop sa kasalukuyang panahon.
·         May kakayahan para magsuspinde, magbasura o tutulan ang mga panukalang batas na ipinasa ng mga kongresista.
·         May kakayahang gamitin ang “veto power” – ang kapangyarihang “magcheck and balance” para matiyak na patas at walang kinikilingan ang lehislatura. Gayundin ang pagseseguro na hindi mapapasailalim sa dikataturyal na pamamahala ang bansa. Ito rin ay para sa ikapapanatili ng integridad ng pamahalaan.
·         Tumatalakay at gumagawa ng plano para sa pagpi-pinal ng pambansang budget na pinagtibay ng mababang kapulungan bago ito ipasa sa pangulo.